Manila, Philippines – Kinundena ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo ang nangyaring marahas na dispersal sa mga mangagagawa ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.
Ayon sa Obispo, may karapatan ang mga manggagawa at kanilang mga supporters na magprotesta dahil sa pang-aabuso dahil sa kontraktwalisasyon.
Ang naging aksyon naman ng security personnel at ng pulisya sa mga manggagawa ay mariin ding kinondena ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) .
Ilan naman ang nasugatan sa marahas na dispersal noong Lunes.
(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)