Maduro, nakaligtas sa ‘drone attack’ sa Venezuela

Maduro, nakaligtas sa ‘drone attack’ sa Venezuela

August 5, 2018 @ 3:08 PM 4 years ago


 

Caracas – Nakaligtas si Venezuelan President Nicolas Maduro sa isang pag-atake kahapon (August 4) matapos sumabog ang mga drone malapit sa kaniya sa kalagitnaan ng kaniyang talumpati sa military ceremony, ayon sa gobyerno.

“This is an attack against President Nicolas Maduro,” ayon kay Communication Minister Jorge Rodriguez kung saan ang insidente ay nakuhanan sa live broadcast.

Makikita sa litrato si Maduro na tumingala sa kalagitnaan sa kalagitnaan ng kaniyang speech dahil sa narinig na pagsabog, dito na nagsimulang magkagulo ang mga nakalinyang miyembro ng Venezuela National Guard sa parada.

Ani pa ni Rodriquez, nagkaroon ng “explosive charge… detonated close to the presidential podium” pati na sa iba’t ibang bahagi ng parada na idinaos sa central Caracas.

“Maduro came out of it completely unharmed and at this moment is carrying out his normal duties and is in permanent contact with senior political officials, with ministers and with senior military chiefs,” sabi ni Rodriguez.

Gayunpaman, sugatan naman ang 7 na sundalo dahil pagsabog at kasalukuyan pa ring ginagamot sa ospital. Remate News Team