Maegan, nag-viral sa sariling version ng Anak, pinuri!

Maegan, nag-viral sa sariling version ng Anak, pinuri!

March 17, 2023 @ 6:50 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Kuha sa isang simpleng jamming, umani ng mga papuri ang viral video na ipinost ni Maegan Aguilar.

Sa video, makikitang kinakanta niya ang kanyang sariling version ng awiting Anak na pinasikat ng amang si Freddie Aguilar.

Nasa sala ng bahay si Maegan na nakaharap sa center table na may wine bottle at ilang pagkain tulad ng pork barbecue.

Nasa background naman ang dalawa hanggang tatlong kataong nakikinig habang kumakanta siya.

In her version, iniba ni Maegan ang tono ng ilang bahagi ng awit.

Binabali pa niya ang mga nota nito, giving it her own style.

Medyo mas madamdamin ang version niya na ramdam ng ilang netizens.

Ayon sa ilang nakapanood, sana raw ay may video rin sila ni Ka Freddie doing a duet of the song.

Lalo raw magiging mas makahulugan ang mensahe ng kanta tungkol sa isang anak na nalihis ang daan, exactly what happened to Maegan.

Dahil mahusay raw namang kumanta, pinayuhan ng ilang netizens si Maegan na talikuran na ang bisyo.

Kung matatandaan, kamakailan ay nagpositibo si Maegan sa droga makaraang sumailalim sa hair follicle test.

Ipinakita ni Raffy Tulfo sa kanyang programa ang resulta ng drug test, sabay bawi sa mga ipinangako nitong libreng tirahan sa loob ng isang taon at tulong pinansyal.

Sa halip ay inirekomenda na sumailalim si Maegan sa rehab, bagay na tinutulan nito.

Sa buwisit ni Maegan ay sinabi niyang hindi niya kailangang magpa-rehab dahil hindi raw naman siya addict.

Tinanggihan din ni Maegan ang perang ipinangako ng brodkaster sa kanya. Ronnie Carrasco III