Maegan, nagpasaklolo kay Tulfo, nakipag-ayos kay Ka Freddie!

Maegan, nagpasaklolo kay Tulfo, nakipag-ayos kay Ka Freddie!

January 22, 2023 @ 7:45 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Obyus na wala nang malapitan si Maegan Aguilar kung kaya’t kay Senator Raffy Tulfo niya idinulog ang kanyang problema.

Ginamit ni Maegan bilang tulay ang mambabatas para makipag-ayos sa amang si Freddie Aguilar.

Pakiusap ni Maegan na sana’y magpatawaran na sila ng ama lalo pa’t ngayon na bukod sa maysakit siya’y bangkarote na rin dahil nalugi ang online business nila ni Oliver na kinakasama niya ngayon.

Noong November last year, muntik na raw ma-cardiac arrest si Maegan bukod pa sa pagkakaroon ng hyperthyroidism, dahilan ng pangangayayat niya.

Sinikap ng programa ni Raffy na kontakin si Freddie pero hindi ito nagbigay ng komento sa ere, base sa video na in-upload ng anak nitong January 21.

In fairness, sinagot naman daw ni Freddie ang hospital bills ng anak.

Sinabi rin ni Freddie sa kumontak sa kanya na mahal niya si Maegan.

Hindi nga lang maubos maisip ni Maegan kung bakit ayaw siyang personal na kausapin ng ama.

Pero tanggap daw niya ang kanyang mga pagkakamali.

Ngayon ay naninikluhod siya sa ama na kung tawagin niya’y ‘Tay dahil kailangan niya ang tulong nito.

Hindi naman daw siya makalapit sa kanyang ina dahil meron na ring ibang pamilya ito.

Itinanggi rin ni Maegan na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

May ebidensya siyang dala na resulta ng kanyang drug test para pasinungalingan ang tsismis sa kanya.

Ang stigma raw na ‘yon ang dahilan kung bakit ilang oportunidad ang nawala sa kanya.

Kinse anyos pa raw siya noong huling tumikim ng marijuana.

Nangako naman ang programa ng senador na tutulungan si Maegan sa pagpaopera.

Nangako naman ang programa ni Raffy na sasagutin nito ang pagpapaospital ni Maegan. Ronnie Carrasco III