Mag-ama, 1 pang magsasaka lumutang sa Cagayan river

Mag-ama, 1 pang magsasaka lumutang sa Cagayan river

November 3, 2022 @ 7:46 PM 4 weeks ago


ALCALA, CAGAYAN – Tatlong bangkay kabilang ang mag-ama at isang magsasaka ang lumutang ngayon sa bahagi ng Brgy. Pared, Alcala, Cagayan.

Ang mga natagpuang bangkay ay pinaniwalaang nalunod noong araw ng Undas.

Unang natagpuan ang mag-ama na sina Felipe 54-anyos at Jonathan Pulido, 30 anyos pasado alas-12 ng tanghali at sumunod namang narekober ang katawan ng biktima na si Renato Tabarejo, 55 anyos pawang residente ng Barangay Agani dito sa nasabing bayan.

Nagtungo umano ang tatlo sa Cagayan river para mangisda sakay ng kanilang Bangka bandang alas-3 ng hapon noong Martes.

Hindi umano nakauwi ang tatlo kung kaya’t idineklarang missing hanggang matagpuan ang kanilang bangkay.

Todo hinagpis sa ngayon ang nararamdaman ng mga pamilyat kamag-anak ng mga biktima sa biglang pagkamatay ng mga ito dahil pawang mga padre de pamilya. Rey Velasco