Mag-ama, kinatay ng manugang

Mag-ama, kinatay ng manugang

June 5, 2021 @ 9:50 AM 2 years ago


ILOCOS SUR- Pinagtataga patay ang ama ng tahanan at anak nito habang sugatan ang kanyang misis at isa pang anak matapos silang atakihin ng naghuramintadong manugang ng mag-asawa kagabi sa bayan ng Cabugao.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Demetrio Sevilleja, 44-anyos at Michael Sevilleja, 23-anyos habang sugatan naman ang mag-ina nitong sina Didi Sevilleja, 49-anyos at Melvin Sevilleja, 24- anyos, pawang mga residente sa Sitio Ulayos, Brgy. Catucdaan, Cabugao.

Tugis naman ang suspek at manugang ng mag-asawang Sevilleja na kinilalang si Michael Gaspar ng nasabing lugar.

Batay sa eport ng Cabugao Police Station, dakong 10: PM ng Huwebes naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya Sevilleja.

Lumabas sa imbestigasyon, natutulog na ang pamilya Sevilleja nang bigla na lamang nagwala ang suspek at armado ng itak at kutsilyo.

Dito, inatake ng saksak ng suspek ang kanyang manugang na si Demetrio at sinunod ang bayawn nito na si Michael.

Tinangka naman tumulong ng mag-ina para awatin ang suspek subalit maging sila ay pinagsasaksak din.

Nakita naman ng isa pang anak ng mag-asawa na si Michelle ang pangyayari kaya nagawa nitong makatakbo at humingi ng tulong sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga otoridad hindi na nila naabutan pa ang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Dinala naman sa ospital ang mag-anak pero dineklara na rin patay ng umatending doktor ang mag-amang Sevilleja.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang  bolo at kutsilyong ginamit sa pangyayari.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico