Mag-ama kinatay ng naalimpungatang kaanak

Mag-ama kinatay ng naalimpungatang kaanak

July 20, 2022 @ 10:50 AM 4 weeks ago


STA. BARBARA, Pangasinan- TADTAD ng taga ang katawan ng mag-ama matapos maalimpungatan ang kaanak dahil sa ingay ng pagtatalo ng anak ng biktima at anak naman ng suspek nitong Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Paeste, 49-anyos at anak nitong Rolly, 27, habang nadakip naman ang suspek na si Arturo Paeste, at mga residente sa Barangay Tebag West, Sta. Barbara, Pangasinan.

Batay sa report ng Sta. Barbara Police Station, bago ang insidente nagkaroon ng pagtatalo si Rolly at anak ni Arturo dahilan para pumagitan naman si Rolando.

Dahil sa ingay, nagising si Arturo at naririnig ang boses ng kanyang anak kaya dali-dali itong bumangon at kumuha ng itak saka sinugod ang mag-amang Rolando at walang habas na pinagtataga ang mga ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagawa pang isugod sa ospital ang mag-ama subalit dineklara na rin patay ng umatending doktor sanhi ng tig sampung tama ng taga sa katawan.

Kasalukuyan naman nakakulong sa lock-up cell ng Sta. Barbara Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong double murder./Mary Anne Sapico