Mag-ama kulong sa paggahasa sa dalagita

Mag-ama kulong sa paggahasa sa dalagita

June 30, 2022 @ 11:24 AM 2 months ago


LAPU-LAPU, Cebu- NAGWAKAS ang dalawang taon na pagtatago sa batas ng mag-ama sa kasong panggahasa matapos maaresto sa isinagawang operasyon ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Lapu-Lapu City Field Unit nitong Martes sa lungsod na ito.

Ayon kay Police Captain Nigel Sanoy, hepe ng CIDG Lapu-Lapu City Field Unit, ang mga suspek ay itinago sa pangalang Lito, 38, at anak nitong si Caloy, 20, pawang mga residente sa nasabing lungsod.

Nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Alfonso Maliper Gomos, presiding judge, Family Court Branch 5, Lapu-Lapu City.

Si Lito ay nahaharap sa 6 na bilang kasong Rape habang ang anak nitong si Caloy ay 5 bilang ng kasong Rape.

Base sa reklamo ng 16-anyos na dalagitang hindi pinangalanan, dalawang taon siyang pinagpasa-pasahan gahasain ng mag-ama at itinuring niyang tunay na ama ang stepdad na si Lito.

Nabuko ang kababuyan ng mag-ama ng magsumbong ang biktima sa kanyang mga kaanak.

Kasalukuyang nakakulong sa lock-up cell ng CIDG Lapu-Lapu City Field Unit ang mag-amang suspek para sa dokumentasyon./Mary Anne Sapico