Mag-ama nanalo sa lotto dahil sa horoscope

Mag-ama nanalo sa lotto dahil sa horoscope

March 15, 2023 @ 9:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naiuwi ng mag-ama sa Laguna ang higit P11 milyong jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw noong February 27, 2023.

Sa pahayag na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Martes, sinabing kinumbra na ng mag-ama na mula sa San Pablo, Laguna ang pinaghatian nilang premyo na P11,631,365.60 matapos mahulaan ang winning combination na: 25-4-11-35-15-09.

Ayon sa anak, mga petsa ng birthday at edad ang tinayaang numero ng kanyang ama

Kwento ng ama na dalawang beses niyang tinayaan sa isang lotto outlet ang magkaparehong numero.

Pag-uwi ng bahay, ay ibinigay niya ang isang ticket sa anak sabay sabing kapag tumama, hati tayo.

Kwento pa ng ama na nakatulong sa kanyang pagkapanalo ang paniniwala niya sa horoscope.

“Sabi sa horoscope ko ang 2023 daw ay year of abundance para sa lahat ng ipinanganak ng 1959 at malaki ang chance na yumaman ngayon taon kaya taya lang po ako ng taya ng lotto,” sabi pa niya. RNT