Mag-ama nilamon ng baha

Mag-ama nilamon ng baha

September 14, 2022 @ 10:26 AM 3 weeks ago


COTABATO CITY – Hubo’t hubad at wala nang buhay ng matagpuan ang katawan ang mag-ama matapos lamunin ng malakas na agos ng tubig baha habang tumatawid sa ilog sakay ng kanilang kabayo, Martes, Setyembre 13 sa bayan ng Magpet.

Kinilala ang mga biktimang sina Conrado Noa, magsasaka at anak nitong si Jimmy Noa, grade 5 pupil, kapwa residente ng Barangay Mahongkog Magpet Cotabato.

Batay sa report ng Magpet Municipal Police Station, bago ang insidente nakita pa ang mag-ama na sakay ng kanilang kabayo patawid ng ilog subalit sa lakas ng agos ng tubig bahay ay inanod ang mga ito at tuluyan naglaho.

Agad naman nagsagawa ng search and rescue operation ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management- Magpet at BLGU.

Ilang oras ang makalipas natagpuan ang bangkay ng mag-ama na walang saplot sa Purok 6 sa Sitio Little Baguio, Meocan Arakan Cotabato .

Nagtamo rin ng mga sugatan at bali sa katawan ang mag-ama dulot ng malakas na impak ng tubig baha. Mary Anne Sapico