Mag-ama, patay sa buy-bust; P1.3M shabu nasabat

Mag-ama, patay sa buy-bust; P1.3M shabu nasabat

July 10, 2021 @ 12:56 PM 1 year ago


Cotabato – Patay ang mag-ama sa Sitio Toka, Barangay Macasendeg, Pikit, Cotabato na nakuhanan ng mahigit isang milyong pisong shabu

Batay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cotabato, kinilala ang napatay na sina Ronnie at Banji Mangansakan na nanlaban umano sa mga operatiba.

Naaresto naman ang kanilang kasmaa na si Gutires Antipolo, 52, isang pump boat operator.

Base sa PDEA, nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang kanilang nasamsam.

Bukod dito, narekober din ang M-14 rifle; dalawang M-16 rifle; isang caliber .50 homemade Barrett; at isang M-203 grenade launcher.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/FGDC