Mag-ama patay sa pananambang

Mag-ama patay sa pananambang

January 4, 2023 @ 12:27 PM 3 weeks ago


M’LANG Cotabato- HINDI na nakauwi pang buhay ang mag-ama sa kanilang tahanan matapos tambangan at pagbabarilin ng mga suspek kagabi sa bayang ito.

Kinilala ng mga biktimang sina Tatuan Mangelen Buisan,50 anyos, at anak nitong si Benjie Mangelen Buisan,20 anyos,mga residente ng Purok 6 Barangay Dungoan M’lang Cotabato.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na nakilala sa mga alyas Dats at alyas Tol.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Realan Mamon, hepe ng M’lang Police station, dakong 6:00 PM ng Lunes ng maganap ang krimen ilang metro ang layo tahanan ng mag-ama sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mag-ama pauwi sa kanilang bahay ng pagbabarilin ng mga suspek gamit ang kalibre.45 na baril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ng mag-ama na naging sanhi ng agaran kamatayan ng matandang Mangelen habang nalagutan naman ng hiningan ng idating sa ospital si Benjie.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa naturang bayan.

Paniniwala ng pulisya rido o away pamilya ang motibo sa krimen.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para sa agaran ikadarakip sa mga suspek./Mary Anne Sapico