Mag-ama tiklo sa child abuse sa Nueva Ecija

Mag-ama tiklo sa child abuse sa Nueva Ecija

January 4, 2023 @ 3:53 PM 1 month ago


CUYAPO, Nueva Ecija – Kulungan ang hinantungan ng mag-ama na di-umano’y may reklamong Child Abuse,
sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija nitong Martes, Enero 3.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng hapon ng naunang inaresto ang suspek na si Arnilo Cacho y Sevilla, 53, may asawa, residente ng Barangay District 8, Cuyapo, Nueva Ecija.

Habang, ganap naman na 4:45 ng hapon nang maaresto ang suspek na si Anjelica Cacho y Torio, 24, dalaga at residente rin ng nabanggit na barangay.

Sa report ng pulisya, ang mga suspek ay naaresto matapos na ikasa ang magkahiwalay na operasyon sa naturang barangay ng pinagsanib na pwersa nang mga intel/ warrant operatives ng Cuyapo at Quezon Municipal Police Station sa pangunguna ni P/Lt. Col. Erwin V. Ferry, hepe ng Cuyapo Police Station.

Hindi na umano nakapalag pa ang mga suspek makaraang ihain dito ang
warrant of arrest para sa di-umano’y paglabag sa Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse law)(10) (A) ng Republic Act 7610 na may Criminal Case Number 6555-G na inisyu kahapon, Enero 3 sa Regional Trial Court (RTC) Branch 33, Guimba, Nueva Ecija.

Halagang P40,000 naman bawat isa ang inilaang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng mga suspek.

Sa kasalukuyan ay nakapiit sa Cuyapo police station ang mga suspek. Elsa Navallo