Sultan Kudarat, Maguindanao – Apat ang idineklarang patay sa sunog na sumiklab kaninang madaling araw (July 10) sa Barangay Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ayon kay BFP ARMM Spokeman SFI Ronald Ampang, alas-2:30 ng madaling araw nang bigla na lamang nagliyab ang bahay ng mga biktima at kumalat pa sa katabi nitong tahanan.
Agad na rumesponde ang mga bumbero ngunit natupok na ang anim na bahay na gawa sa kahoy o light materials.
Kinilala ang mga nasawi na sina Damus Araneta 42, mangingisda, at mga anak nitong sina Mojaheed 8 anyos, Divina 6 anyos, at Bonjie 4anyos.
Patay ang mag-amang kinilalang sina Damus Araneta, 42-anyos at mga anak na sina Mojaheed Araneta, 8-anyos, Divina Araneta, 6-anyos at Bonjie Araneta, 4-anyos, na natagpuang patay sa loob ng nasunog na bahay.
Napag-alaman ding nasa abroad ang ina ng mga bata.
Suicide incident naman ang angulong nakikita sa naganap na insidente ayon kay SK Mayor Shameem Mastura na nasa lugar ng pinangyarihan ng sunog.
Lumalabas sa imbestigasyon na pinakuan o tinakpan ng tatay ang lahat ng butas na maaring daanan palabas ng kaniyang mga tatlong anak.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP-Sultan Kudarat sa naturang pangyayari. (Remate News Team)