Mag-asawa, 3-anyos na anak patay sa salpukan ng motorsiklo at SUV

Mag-asawa, 3-anyos na anak patay sa salpukan ng motorsiklo at SUV

July 12, 2021 @ 1:27 PM 1 year ago


BATAAN- Patay ang mag asawa at 3 anyos na anak matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa paparating  na Land Cruiser sa Barangay Calaylayan, Abucay, Bataan.

Halos naliligo na ng sariling dugo ang mag asawang si Denmark Magramo at Jesamay Sarniento dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan habang isinugod pa sa pagamutan ang 3 anyos nilang anak subalit idineklara din dead on arrival.

Napag-alaman na galing umano sa poultry farm ang mag asawa na kanilang pinapasukan at nang pauwi na at patawid sa Roman Highway  ay aksidenteng nahagip sila ng paparating land cruiser.

Nasa himpilan na ng pulisya ang driver para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. REY VELASCO