Mag-asawa, anak patay sa mga kawatan

Mag-asawa, anak patay sa mga kawatan

December 23, 2022 @ 12:32 PM 2 months ago


NEGROS ORIENTAL- Siyam na persons of interest ngayon ang iniimbestigahan ng mga awtoridad pagpatay sa mag-asawa at anak, noong Miyerkules, Disyembre 21 sa bayan ng Zamboanguita.

Kinilala ang mga biktimang sina Pedro Catalonia y Deloria 70, asawa na si Servana, 65, at kanilang anak na si Marites, 43, lahat ay residente sa Sitio Cambilo, Brgy Najandig, Zamboanguita, Negros Oriental.

Batay sa report ng Zamboanguita-PNP, dakong 4:00 AM ng matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Kwento ng isa pang anak ng mag-asawang Catalonia na si Retchiel Grapa Catalonia, nakita na lamang niya ang kanyang mga magulang at kapatid na wala na buhay sa kanilang bahay.

Agad naman siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad at ipinaalam ang krimen.

Nabatid, na liblib ang naturang lugar at malayo ang kanilang mga kapitbahay.

Ayon kay Retchiel, pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang mga personal na kagamitan ng kanyang mga magulang tinangay na rin ang higit sa P20,000.00.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang krimen. Mary Anne Sapico