Mag-asawa kulong sa P1.5M shabu

Mag-asawa kulong sa P1.5M shabu

January 8, 2023 @ 9:00 AM 1 month ago


SUBIC, Zambales- Kulungan ang kinasadlakan ng mag-asawa matapos makuhanan ng malaking halaga ng shabu sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad kahapon sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Joemmeir John, 35, alyas Jun Marzan at misis nitong si Angelica Leapart, 34, alyas Ange, at kapwa residente sa Sitio Bukid, Barangay Calapacuan, Subic.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO) 3, dakong alas-3:05 ng umaga nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Cala-pacuan ng naturang bayan.

Ayon kay Colonel Fitz Macariola, Zambales Police Provincial Office, director, nakuha sa mag-asawan Leapart ang 14 na pirasong pakete na naglalaman ng 227.2 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang may street value P1,544,960, drug paraphernalia, sling bag at P3,000 marked money.

Sinabi ni Macariola na si Joemmeir John ay miyembro g Naldi Drug Group at nasa ‘top priority target regional level’ ng Philippine National Police.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, and 26b under Article II of Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mag-asawang suspek sa Provincial Prosecutor’s Office, Olongapo City. Mary Anne Sapico