Mag-asawa na sakay ng motor todas sa trak sa QC

Mag-asawa na sakay ng motor todas sa trak sa QC

November 18, 2021 @ 6:15 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Tepok ang mag-asawa matapos banggain ng trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo kaninang umaga sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni ang mag-asawang namatay na sina Ritchie at Rhea Baldeviso, kapwa residente ng Lawaan St.,  San Jose Rodriguez Rizal.

Nakilala naman ang drayber ng Howo Truck na may plakang NDK 3206 na si Vicmar Maddawin Madellin.

Base sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga, Huwebes, nang maganap ang malagim na aksidente sa Payatas Road malapit sa boundary ng Montalban, sa nasabing barangay.

Sakay ang mag-asawa ng Rusi Motorcycle at binabaybay ang kahabaan ng Payatas Road galing Montalban patungong Litex, nang sumulpot ang minamanehong trak ng suspek mula sa kabilang kalsada.

Dahil dito, nabundol ng kaliwang gulong ng trak ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima at sa lakas ng impak ay  tumilapon ng may ilang metro ang mag-asawa kung saan nabagok ang ulo ng mga ito na naging sanhi ng kanilang kamatayan

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property. Jan Sinocruz