Mag-asawa nag-divorce dahil lang sa away-football game

Mag-asawa nag-divorce dahil lang sa away-football game

July 9, 2018 @ 7:54 PM 5 years ago


Habang nakaka-goal ang mga team sa FIFA 2018 World cup, nagkagulo naman ang mag-asawa sa Russia na humantong pa sa… divorce!

Labing-apat na taon nang mag-asawa ang 40-anyos na lalaking si Arson at si Ludymyla, 37-anyos na kapwa die-hard fans ng football.

Sa katunayan, noong magnobyo palang sila magkalaban ang kanilang mga football club na Spartak Moscow at CSKA Moskow, pero hindi yun naging hadlang para sila ay mag-pakasal.

Pero nitong kasagsagan ng init sa FIFA, nauwi sa init ng ulo ang asaran ng dalawa dahil sa magkalaban nilang idol na sina Lionel Messi ng Argentina at Cristiano Ronaldo ng Real Madrid.

Napuno na raw kasing itong si Arson sa misis niya nang paulit-ulit nitong i-bash ang kanyang idol na si Messi.

“From the very beginning of the World Cup, Lyudmila constantly mocked me and my beloved player, saying that he played poorly and could not even score an important penalty in the game with Iceland. And during the match with Nigeria I was so worried for them [Argentina]. When she once again started speaking unkindly about Lionel and his performance, I got angry and, in turn, expressed everything I thought of her handsome Ronaldo, the Portuguese national team, herself and all the other football clubs Lyudmila is crazy about. Then I took all my things and left her for good.,” galit na kwento ng lalaki.

Dahil dito, kinabukasan ay pumunta si Arsen ng civil registry para mag-file ng divorce. (Remate News Team)