Mag-asawa patay; 4 sugatan sa salpukan

Mag-asawa patay; 4 sugatan sa salpukan

June 25, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


SUMILAO, Bukidnon- Patay ang mag-asawa habang sugatan ang apat na iba matapos magsalpukan ang sinasakyan nilang trailer truck at wing van Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina si Roberto Labjata, driver ng trailer truck, asawa na si Veronica Labtaja, kapwa taga-Poblacion, Tupi, South Cotabato at pahinante na si Christian Garcia, taga-Impasug-ong, Bukidnon.

Ginagamot naman sa ospital sina Ralph John Diama,Felix Diama, at Vivian, Diama mga sakay ng wing van at pawang mga taga-Davao region.

Ayon kay PSSg Jessie M. Sanico, imbestigador ng Sumilao Police Station, bandang alas-3:10 ng hapon naganap ang insidente sa Sayre highway, Sitio Damay, San Vicente, Sumilao, Bukidnon.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabaybay ng wing van at prime mover ang nasabing kalsada ng mawalan ng kontrol sa manibela ang wing van dahil sa puno ito ng karga ng mga scrap metals.

Dumiretso ang wing van sa kabilang linya at nahagip nito ang prime mover nina Labjata na may mga karga naman tricab.

Sa lakas ng pagkakasalpok nagtamo ng matinding pinsala ang mag-asawa na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Dinala naman sa ospital si Garcia at ang tatlo na sakay ng wing van at patuloy na ginagamot.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at posibleng maharap sa patung-patong na kaso ang driver ng wing van. Mary Anne Sapico