Mag-asawa sa Isabela tigok sa agawan-granada

Mag-asawa sa Isabela tigok sa agawan-granada

February 9, 2023 @ 8:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matapos makarinig ang ilang saksi ng pagtatalo, isang malakas na pagsabog naman ang umalingawngaw mula sa granada na ikinamatay ng mag-asawa sa Gamu, Isabela.

Base kay Police Major Ricson Cabatuatan, hepe ng Gamu Police Station, nagtamo ng matitinding sugat ang mag-asawa na naging dahilan ng kanilang pagkamatay.

Ayon sa pulisya, una silang nakatanggap ng impormasyon na may narinig na pagsabog sa bahay ng mag-asawa. Pero bago ang pagsabog, narinig umano na nagtatalo sa loob ng bahay ang mga biktima.

“Sa initial investigation, dahil sa sobrang pag-aaway nila, nag-agawan sila sa granada. Ang suspek namin ay yung lalaki ang may hawak pero hindi namin ma-determine dahil walang ibang witness,” ani Cabatuatan.

Inaalam pa ng pulisya kung saan galing o paano nagkaroon ng granada sa bahay. RNT