Mag-asawa todas sa tambang



Mag-asawa todas sa tambang

June 10, 2021 @ 1:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Bulagta ang mag-asawa sa nangyaring pananambang sa Brgy. Mariana sa Quezon City kagabi.

Nadatnan na lang ng Quezon City Police District nang duguan ang dalawa sa gitna ng kalsada matapos na paulanan ng baril nang hinid pa nakikilalang mga suspek.

Posible umanong hinatak palabas ng mga suspek ang mag-asawa saka doon pinagbabaril.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Antonio Yarra, hindi pa nalalaman ang pagkakakilanlan ng mga ito na kapwa nasa 30 taong gulang pataas.

 

Batay sa mga narekober na kagamitan sa sasakyan ng mga biktima, posibleng galing sa department store ang mga ito bago nangyari ang pananambang.

Batay sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng isang kotse nang tambangan sila ng riding in tandem suspects sa broadway street.

Inaalam na ng pulsiya ang motibo sa pamamaslang. RNT


  •  
  •  
  •