Mag-asawang miyembro umano ng Maute group, arestado sa CDO

Mag-asawang miyembro umano ng Maute group, arestado sa CDO

June 7, 2018 @ 5:24 PM 4 years ago


Cagayan de Oro – Arestado ang mag-asawang hinihinalang myembro ng ISIS-inspired Maute Group sa isang checkpoint ng Cagayan Police Provincial Office.

Alas-4:50 ng hapon nang mahuli si Eyadzhemar Abdusalam, alyas Medical Jihad, isang registered nurse at licensed Emergency Medical Technician kasama ang asawa nitong si Catherine Dianne Palmitos alyas Maryam Aisha.

Ayon sa mga awtoridad, matagal na nilang minomonitor si Abdusalam na siyang nagsu-supply ng mga gamot sa Maute group noong kasagsagan ng giyera sa Marawi City.

Binalak pa umano nitong pumunta ng Syria para sumali sa ISIS at napag-alaman ding nag-rerecruit ng mga myembro ng Maute group.

Nabisto rin na isa si Abdusalam sa mga nagbalak na manggulo sana noong piyesta sa Quiapo at iba pang piyesta sa Zamboanga City. (Remate News Team)