Mag-asawang pasahero ng tumaob na Victory Liner bus, patay

Mag-asawang pasahero ng tumaob na Victory Liner bus, patay

August 24, 2022 @ 11:24 AM 1 month ago


ILAGAN CITY, ISABELA-Tuluyan nang nasawi ang mag-asawang dadalo sana sa recognition rites ng kanilang anak na kawani ng Bureau of Jail and Management Penology o BJMP matapos bumaliktad ang sinasakyang bus sa Barangay San Manuel, Naguillian, Isabela, kahapon.

Ayon kay PMajor Junniel Perez, hepe ng Naguilian Police Station, Lima ang sakay ng naturang Victory Liner bus nang magnap ang aksidente kung saan dalawa sa limang pasahero ang idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang ang tatlo pang pasahero ay sugatan.

Kinilala ang nasawing mag-asawang Myrna Corpuz at Oliver Octavio Corpuz, kapwa residente ng Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.

Napag-alaman galing sa Tuguegarao City ang mag-asawang Curpuz at dadalo sana sa recognition rites ng BJPM subalit dahil sa bagyong Florita ay hindi natuloy kaya nagpasya silang umuwi sa Quirino ngunit naganap ang aksidente na kanilang ikinasawi.

Habang ang sugatan ay sina Dominador Antolin III, residente ng Santiago City; Marvin Balinag, at Wilmer Dumo kapwa kasapi ng Philippine Army na residente ng bayan ng Angadanan.

Dala sa madulas na daan na dulot ng bagyong Florita ay nawalan ng preno na nagsanhi ng pagbaliktad ng nasabing bus.

Pinilit umano ni Rivera na kabigin pakaliwa ang manibela na nag resulta sa pag-ikot ng bus at bumangga pa sa poste ng kuryente. Rey Velasco