Mag-asawang tulak, 5 pa arestado sa Bulacan buy-bust

Mag-asawang tulak, 5 pa arestado sa Bulacan buy-bust

July 7, 2021 @ 5:31 PM 1 year ago


BULACAN – Arestado ang mag-asawang pinaghihinalaang tulak habang lima pang nagbenta ng iligal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang sina Jackielyn Manahan, 31; Manuel Manahan, 41, engine mechanic kapwa residente ng Brgy. Lolomboy, Bocaue.

Kapwa naaresto ang mag-asawa bandang 5:30 pm sa Brgy. Lolomboy matapos mabilihan ng sachet na pinaghihinalaang shabu ng poseur buyer.

Sinasabing mga kapit-bahay at kalugar ang pangunahing mga parokyano ng mag-asawang pinaghihinalaang tulak.

Naaresto naman sina Socrates San Jose, residente ng Brgy. Perez, Bulakan; Nestor Chico ng Brgy. Camias, San Miguel; Michael Managuit ng Brgy. Bubulong Malaki San Ildefonso; Rommel Angeles at Bernardino Teraña kapwa residente ng Brgy. Sulivan, Baliwag.

Naaresto ang mga pinaghihinalaang tulak sa ikinasang buy-bust operation ng Bulakan, San Miguel, San Ildefonso at Baliwag police.

Nakuha sa operasyon ang kabuuang 21 sachet na pinaghihinalaang shabu at buy-bust money. Dick Mirasol III