Mag-asawang tulak nasakote sa buy-bust sa Caloocan

Mag-asawang tulak nasakote sa buy-bust sa Caloocan

January 16, 2022 @ 2:27 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Tiklo ang mag-asawa na tulak ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang naarestong suspek na si Mark Anthony Diwa alyas “Bolok”, 40 (Listed), Meriam Mariano alyas “Yampot”, 29, (Listed), kapwa ng No.166 I. Diwa St., 8 Ave., Brgy. 59.

Ayon sa ulat, dakong alas-12:05 ng hatinggabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy-bust operation sa bahay ng mga suspek kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P2,500 halaga ng shabu.

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na mga opertatiba saka inaresto nila ang dalawa.

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 11 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez