14 bills panukala, nakalusot sa Senado bago mag-Holy Week

March 23, 2023 @6:36 PM
Views: 2
MANILA, Philippines- Nag-adjourn ang Senado nitong Miyerkules ng gabi matapos maaprubahan ang 14 panukala para sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at anim pa na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.
“Needless to say, the Senate is hard at work, and even though plenary session is adjourned until May, we will continue to hold hearings and move forward with our priority measures throughout the next few months,’’ pahayag ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Kabilang sa 14 ang Condonation of Unpaid Amortization and Interest on Loans of Agrarian Reform Beneficiaries Act and the Act Further Strengthening Professionalism and Promoting the Continuity of Policies and Modernization Initiatives in the AFP, na parehong niratipikahan nitong Miyerkules.
“These two bills are part of the shared priority measures of the administration and the legislative, so we really endeavored to finalize them before adjournment,” pahayag ni Zubiri.
Isa pang priority measure na nakalusot sa Senado ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP), na inisponsoran nitong Miyerkules.
“Last Monday, we also approved 17 bills on third and final reading, including four that are of national application,” dagdag ni Zubiri.
Tinutukoy niya ang Cultural Mapping Bill, the One Town One Product Act, the “No Permit No Exam” Policy Prohibition Act, at ang Act Providing for Moratorium on the Payment of Student Loans During Disasters.
Noong Pebrero, pinagkasunduan sa Senado ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement. RNT/SA
Aplikasyon para sa kompensasyon sa Ormin oil spill, gugulong sa Lunes

March 23, 2023 @6:24 PM
Views: 14
MANILA, Philippines- Magsisimula ang aplikasyon para sa kompensasyon sa mga indibidwal at grupo na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro sa Lunes, ayon sa insurer ng lumubog na motor tanker nitong Huwebes.
Sa press briefing, inihayag ni Atty. Valeriano del Rosario, abogado ng insurer na P&I Club ng MT Princess Empress, na magtatatag ng local claims offices sa mga apektadong lugar.
“On the week of 27 March 2023, the first claim offices, also known as claims caravan, will open in Calapan City, Oriental Mindoro and it will act as the collecting point for the claimants to submit their completed claim forms,” pahayag niya.
“Subsequently, we will also see the opening of local claims offices in the other affected barangays as well,” dagdag ng abogado.
Bas ekay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, kinumpirma ng P&I Club sa pulong nitong Huwebes ng umaga na tumatanggap na sila ng aplikasyon para sa kompensasyon.
“Nagkumpirma na simula Lunes, ika-27 ng Marso, tatanggap na po sila at sila ay makapag-establish na ng claims office,” aniya.
Sinabi mo Del Rosario na kabilang sa claimants ang mga indibidwal, korporasyon at local government units na apektado ng oil spill.
Inabisuhan anman sila na magdala ng accomplished claim forms sa designated offices na may supporting documents at proof of their loss, batay kay Del Rosario.
Idinagdag niya na bubusisiin ang claims forms.
Aniya pa, depende ang komputasyon ng claims sa claimants at kategorya ng kanilang claims.
May karga ang motor tanker Princess Empress na halos 900,000 litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito dahil sa malakas na alon noong February 28. Nailigtas naman ang 20 sakay nito.
May kabuuang 163,508 inidbidwal o 34,555 pamilay sa Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang nitong Miyerkules.
Idineklara na rin ang state of calamity sa 10 lungsod at munisipalidad, base sa NDRRMC.
Hindi naman bababa sa 192 tao ang nagkasakit dahil sa oil spill. RNT/SA
4 tulak arestado sa hiwalay na buy-bust ops sa QC

March 23, 2023 @6:14 PM
Views: 13
MANILA, Philippines- Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na tulak ng shabu matapos na kumagat sa magkahiwalay na buy-bust operation sa nasabing lungsod.
Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang unang nadakip na sina Hafida Ditanungan, 39-anyos, nakalista bilang No. 5 District Level Drug Personality Priority Target, residente ng Brgy. Silangan Cubao, Q.C. at Lyndon Jake Fortuno, 32, ng Project 8, Q.C.
Ayon kay District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PMAJ Hector Ortencio, dakong ala-1:50 ng hapon (March 22) nang magsagawa ng drug operation sa Room 8201 ng Glory Hotel sa kahabaan ng Ermin Garcia St., Brgy. Silangan, Cubao, Q.C.
Ang mga suspek ay nadakip ng pinagsanib na pwersa ng DDEU na pinangunahan ni assistant chief PMAJ Wennie Ann A Cale at PCPT Roland A Vergara ng Cubao Police Station (PS 7).
Nakumpiska mula sa dalawa ang 40 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P272,000, dalawang cellular phones itim na belt bag, brown coin purse, weighing scale gayundin ang buy-bust money.
Samantala bandang alas-5:30 ng umaga (March 23) nang madakip naman ng DDEU sina Raymond Silvestre at Michael John Perez sa harapan ng 103 Area 2 Bicol Area, Brgy. Holy Spirit, Q.C.
Narekober mula sa mga suspek ang 10 grams ng shabu na may halagang P68,000, itim na coin purse at buy-bust money.
Nakapiit na ang apat na kapwa nahaharap sa paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz
DepEd tatanggap ng 9,650 guro ngayong 2023

March 23, 2023 @6:12 PM
Views: 12
MANILA, Philippines- Halos 9,650 bagong guro ang inaasahang tatanggapin ng Department of Education (DepEd) ngayong taon, ayon sa tagapagsalita nito ngayong Huwebes.
“Ayon sa ating pag-uusap with our HR, ang target talaga natin, kasi meron tayong teacher items… we are targeting to hire around 9,650 ‘yung target natin for this year. Of course, subject to the normal application process dahil civil servants po ang ating mga teachers,” pahayag ni DepEd spokesperson Michael Poa.
Kabilang sa mga hamon na kinakaharap ng DepEd sa kasalukuyang academic year ang kakulangan ng mga guro, bukod sa kakulangan ng school infrastructure at furniture.
Noong 2022, tumanggap ang DepEd ng 11,580 guro, habang lumikha ng 5,000 administrative officer positions sa pagsisikap na ibsan ang bigat ng administrative duties ng mga guro. RNT/SA
7 suspek sa pagpatay sa Cebu maritime student, kinasuhan

March 23, 2023 @6:00 PM
Views: 15