Mag-ina, 20 iba pa tiklo sa QC buy-bust

Mag-ina, 20 iba pa tiklo sa QC buy-bust

November 3, 2022 @ 7:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang mag-ina na tulak kabilang na ang 20 pang mga indibidwal matapos kumagat sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni QCPD PBGEN Nicolas Torre III, ang mag-ina na nadakip na si Lydia Custodio Resuello, 69 anyos, Mary Grace Resuello, 39, kapwa naninirahan sa Brgy. Manresa, Q.C.

Ayon kay Loma Police Station (PS 1) commander PLTCOL Garman Manabat, dakong 11:30 ng gabi nang isagawa ang operasyon sa Dagot St. corner Biak na Bato St., Brgy. Manresa, Q.C.

Nakumpiska sa mag-ina ang walong sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P11,560, digital weighing scale, at buy-bust money.

Bukod sa mag-ina nadakip din ang 20 pang drug suspects na sina Jomar Reyes, 30; Jayson Makinanon, 24; Rio Baza, 45; Danilo Andrade, 59; Bernard Francisco, 46; John Paul Ong, 40; Eulalio Alo Jr, 45; Rodel Rayos, 53; Dexter Ilagan, 37; Ariel Rafael Conge, 45; John Wencie Albao Dosal, 22; Eduardo Alonzo Abante; 33; Marites Valenzuela Duran, 38; Van Edward Pacot, 20; Angelo Salas Loor, 27; Christian Perlado Lapus, 40; Leanne Salonga Elip, 23; Manuel Moralde, 50; June Almodovar, 45, at Gilbert Ramota, 45 anyos.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

“Patuloy namin paiigtingin ang laban kontra kriminalidad lalung-lalo na ang illegal na droga. Gayundin ang mahigpit na pagbabantay sa mga lansangan sa pamamagitan ng police visibility upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan. Kung kailangan ninyo ng tulong at responde, i-dial lamang ang 122 at kami ay kaagad reresponde,” pahayag ng QCPD chief. Jan Sinocruz