Mag-ina binaunan ng bala ng selosong lover

Mag-ina binaunan ng bala ng selosong lover

February 1, 2022 @ 10:11 AM 8 months ago


CEBU CITY– Patay ang isang ina at kanyang 15-anyos na anak sa kanilang bahay sa Barangay Guadalupe nitong Lunes.

Kapwa nasawi mula sa tama ng baril ang mga biktimang kinilalang sina Jeneleyn Bontilao, 31, at anak na si Hannah.

Habang damay din ang isa pang babaeng 11-anyos na anak sa pamamaril kung saan malubha naman itong sugatan sa pag-atake.

Ikinasa naman ng pulisya ang manhunt operation laban sa suspek na kinilalang si Janjan Moko.

Sinabi naman ni Lt. Col. Maria Theresa Macatangay, information officer ng Cebu City Police Office, na dating live-in partner ng inang biktima si Bontilao.

Sinasabi ring asset ng Abellana Police Station ang nasabing suspek.

Nangyari umano ang pag-atale bandand alas-dos ng madaling araw at posibleng crime of passion ang motibo, dagdag pa ng pulisya.

Positibo namang sinabi ng kapatid ng biktima na si Jessam na makailang ulit umanong pinagbantaan ng suspek ang kanyang ate dahil ayaw niyang makipaghiwalay.

Maging ang mga kapitbahay ng biktima sa nirerentahang bahay ay kinumpirmang narinig nila ang pagtatala ng suspek at biktima bago ang krimen.

Sa gitna ng pag-aaway, limang putok ng baril ang umanoy umalingawngaw. RNT