Mag-ina, isa pa sugatan sa bumagsak na amusement ride

Mag-ina, isa pa sugatan sa bumagsak na amusement ride

November 2, 2022 @ 3:14 PM 4 weeks ago


MASINLOC, Zambales- Ginagamot ngayon sa ospital ang tatlong katao kabilang ang mag-ina matapos bumagsak ang sinasakyan nilang amusement ride sa isang carnival sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga biktimang sina Carla Mae Calbonge, Rodelina Ulao, at anak nitong si Gero Ulao, 2-anyos.

Ayon sa pulisya, sakay ang mga biktima ng amusement ride ng biglang kumalas ang turnilyo dahilan para humandusay sa sahig ang tatlong sakay.

Agad naman dinala sa pinaka-malapit na ospital ang mga biktima para lapatan ng lunas.

Hindi naman nagbigay ng kanilang pahayag ang pamunuan ng carnival pero tiniyak na sasagutin nila ang gastusin sa pagpapagamot sa mga biktima.

Pansamantala naman isinara sa publiko ang carnival habang isinasagawa ang operasyon sa naturang insidente. Mary Anne Sapico