Mag-ina kinatay, 2 paslit nailigtas sa lasing

Mag-ina kinatay, 2 paslit nailigtas sa lasing

December 27, 2022 @ 12:51 PM 1 month ago


Bulacan – Kalunos-lunos ang sinapit ng mag-ina matapos pagsaksakin hanggang sa mapatay ng lasing na manugang sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ang suspek na si Boyet Panzo, 30, habang ang biktima ay sina Dory Navarro y Lorenzo at Jenny Rose Lorenzo y Lopez kapwa residente ng Mababang Lupa, Brgy. San Agustin.

Sa report ng Hagonoy police, nangyari ang insidente bandang 10:15 ng gabi nitong Disyembre 25 sa Purok 5 ng naturang lugar.

Ayon sa imbestigasyon, may hindi pagkakaintindihan si Jenny at kanyang asawang si Boyet na nais makipag-usap sa kanya subalit lasing ng mga oras na iyon hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito, nagdilim ang paningin ng suspek nang pagsasaksakin ang mag-ina hanggang mamatay ang mga ito sa lugar.

Sinubukang saksakin din ng suspek ang isang 10 taong gulang na batang lalaki at tatlong buwang sanggol na lalaki subalit nailigtas ito ng mga kapitbahay.

Dahil dito, isang concerned citizen ang nagreport sa pulisya kaya agad silang rumesponde sa lugar at kalaunan nahuli ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Attempted murder at 2 counts of murder habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III