Mag-ina laglag sa halos 2 kilo ng shabu

Mag-ina laglag sa halos 2 kilo ng shabu

January 5, 2023 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Laglag sa entrapment controlled delivery operation ang mag-inang babae at nasamsam sa kanila ang isang 1 inbound parcel na naglalaman ng halos 2kgs Methamphetamine Hydrochloride (Shabu) na may street value na P13,800,000.

Kinilala ng PDEA operatives ang mga naarestong mag-ina na nagtangkang i-claim ang parcel na sina Annalyn Real y Macapaz aka Mary Jane Diaz Nagas, 50-anyos; at Myka Angel Real, 23-anyos, kapwa residente ng 946 San Jose, Brgy. Mauway, Mandaluyong City.

Nag-umpisa ang controlled delivery operation sa pagkakadiskubre ng Bureau of Customs Clark Pampanga, sa laman ng parsela nang ipaamoy sa K9 unit at isailalim sa xray na nang isailalim sa initial search ay nakitang positibo sa crystalline substance na shabu.

Makaraan nito ay nakipag-ugnayan agad ang BOC sa mga Operating Units ng PDEA ROIVA RSET 2 at 1, PDEA RO III Pampanga PO, PDEA RO III Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, BOC Port of Clark, PDEA NAIA IADITG, BOC Manila, PNP Aviation Security Group, MIAA Airport Police Department – ICTPS at NBI CELRO na nagsagawa ng controlled operation sa ICT Compound PSI Building, Pasay City.

Nakumpiska ang mga kontrabando at ebidensya na isang parcel with tracking no. 8157 9379 4942 na ang nakatalang consignee at nagclaim ng parsela na si Analyn alyas Mary Jane.

Nakuha sa parsela ang tinatayang halos dalawang kilo ng shabu sa walong transparent plastics na nakasilid naman sa apat na rechargeable Sport Jug na inilagay sa isang kahon/parcel.

Sa declaration/manifest ng parcel nakatala ang:

Isang parcel na may tracking no. 8157 9379 4942 na idineklarang microserver double stainless seruti ceramic 5DAP LATI mula kay David HO ng 388 SOI PHAI SINGTO KHLONG TOEI SUKHUMVIT BANGKOK at pinadadala kay Mary Jane Diaz Nagis ng 18 Sapphire St. Emphalico Homes Talon 1, Las Pinas City na naglalaman ng:

  • Apat (4) 3.0L jug na may lamang MOL 2kgs ng Methamphetamine Hydrochloride na hinihinalang shabu;

  • Isang (1) unit ng cellular phone; at

  • Isang (1) Philhealth ID. Dave Baluyot