Mag-ina natusta sa sunog sa QC

Mag-ina natusta sa sunog sa QC

February 9, 2022 @ 3:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Natusta nang buhay ang isang mag-ina matapos na makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Quezon City, kaninang madaling araw.

  Kinilala ang mga biktima na sina Helen Uy, 67 anyos, at kanyang anak na si Johanna Uy, 40, habang  nasugatan naman sa kanang kamay  si Valerie Uy, 34,

Base sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), pasado 5:00 ng madaling araw (February 9) nang magsimulang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag na tahanan ng mga biktima na matatagpuan sa Classica Victoria, #46 11th St., New Manila, Brgy. Mariana, QC.

Sinasabing nagsimula umano ang sunog sa laundry area ng tahanan na matatagpuan sa unang palapag nito ngunit hindi pa batid ang sanhi nito.

Nagawa umanong makalabas ng bahay ng kanilang katulong ngunit na-trapped naman ang mag-ina sa kanilang silid na nasa ikalawang palapag ng tahanan.

Dalawang sasakyan rin ang nadamay sa sunog na umabot lamang sa unang alarma bago tuluyang naapula dakong 6:20 ng umaga.

Patuloy na ghagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang mga arson investigators sa sunog na tinatayang tumupok sa may ₱2,250,000 halaga ng mga ari-arian. Jan Sinocruz