Mag-ina patay sa sunog sa Ormoc

Mag-ina patay sa sunog sa Ormoc

August 22, 2022 @ 12:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang mag-ina sa sunog na tumupok sa hindi bababa sa tatlong bahay sa Barangay Cogon sa Ormoc dakong alas-2:26 ng madaling araw noong Linggo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Belen Sumalinog Mendoza, 62, at anak nitong si Lyndon, 36, na nabigong lumabas ng kanilang bahay sa panahon ng sunog, ayon kay Senior Fire Officer 1 Grace Fatima Ramada.

Hindi pa matukoy ng mga fire investigator ang sanhi ng sunog.

Nasa P1.8 milyon ang halaga ng pinsala. RNT