Mag-ina tusta sa loob ng bahay

Mag-ina tusta sa loob ng bahay

February 17, 2023 @ 5:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang mag-ina ang natupok makaraang lamunin ng apoy ang kanilang bahay habang mahimbing na natutulog sa Brgy Salcedo, Noveleta, Cavite

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa pulisya, kinilala ang mag-ina na si Marilen Tamayo y Noceda, 39 at kanyang 8-taon na anak, kapwa residente ng Brgy Salcedo 2, Noveleta, Cavite.

Ayon sa report , dakong alas-12:42 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Brgy Salcedo, Noveleta, Cavite kung saan mahimbing na natutulog ang pamilya Tamayo sa kanilang bahay.

Nabatid na naiwanan nilang may baga pa kalan na kanilang ginamit sa pagluluto na dahilan ng pinagmulan ng sunog at dahil gawa sa light materials ang kanilang bahay ay mabilis na lumagablab ang apoy janggang sa natupok.

Kaagad namang nakalabas ng bahay ang mag ama na Nagising dahil sa lakas ng apoy subalit naiwanan ang kanyang mag-ina kung kaya tuluyang nilamon na ito ng apoy..

Napag alaman na ganap na alas 1:04 ng madalingbararaw nang ideklarang fire-out. Margie Bautista