Mag-ina tusta sa napabayaang kandila sa Cagayan

Mag-ina tusta sa napabayaang kandila sa Cagayan

March 24, 2022 @ 1:38 PM 3 months ago


GATTARAN, Cagayan- Patay ang mag-ina matapos tupukin ng sunog ang kanilang bahay dahil sa napabayaan nakasinding kandila nitong Linggo sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marcelina Bernardo, 90-anyos, at anak niyang si Roger, 70, kapwa residente sa Gattaran, Cagayan.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection, bigla na lamang sumiklab ang bahay ng mag-ina dahil sa napabayaan nakasinding kandila pagkatapos magrosaryo ni Marcelina.

Nagtulong-tulong naman ang mga kapitbahay na mailabas ang mag-ina sa kanilang bahay bago pa tuluyan lumaki ang apoy.

Subalit, naalala ni Marcelina na ang titulo ng kanilang lupa kaya bumalik sa loob para kunin kaya sinundan naman siya ng anak para sagipin.

Hindi na nagawa pang makalabas ng bahay ng mag-ina dahil tuluyan ng nilamon ng apoy ang buong kabahayan at nadamay ang isa pang bahay ng retiradong guro.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog at ng maapula nakita ang sunog na bangkay ng mag-ina.

Umabot naman sa P3-milyon halaga ng ari-aria ang nasunog./Mary Anne Sapico