Mag-inang Fil-Am pinagtulungan ng 3 katao sa New York

Mag-inang Fil-Am pinagtulungan ng 3 katao sa New York

March 7, 2023 @ 10:31 AM 3 weeks ago


NEW YORK CITY – Pinagtulungang bugbugin ng tatlong indibidwal ang mag-inang Filipino-American sa Roosevelt Avenue sa Queens sa New York City.

Kinilala ang mga biktimang sina Cecille Martinez-Lai at ang 24-anyos na anak niyang miyembro ng US marines na sa ngayon ay nakalabas na sa ospital.

Kwento ni Cecille nag-ugat ang insidente sa pagbaba ng mga ito sa sasakyan sa Roosevelt Avenue at Junction Boulevard.

Kahit naka-red light umano ang stop light at nasa tamang unloading area sila ay binusinahan sila ng  isang kulay puting SUV.

Pagkatapos nito ay dito na sila sinigawan ng “ugly Asians.”

Hindi naman nila ito pinansin dagdag pa ni Cecille, pero nang makatawid na sila ay dito na sila nilapitan ng mga suspek at sinabuyan pa ng tubig.

Sa video na inilabas ng NYPD Crime Stopper, makikita ang pagbaba ng tatlong suspek na kinabibilangan ng isang babae at dalawang lalaki sa SUV at ang pagsuntok ng isa sa kanila kay Cecille.

“The first impact that I remember is her punching me in the face,” aniya. “I was knocked out unconscious for a little bit. When I came back with my senses, when I woke up, I was worried about my son. I looked at the side and I saw my son was being punched,” dagdag pa niya.

Hindi na nagawang lumaban ng kanyang anak na US Marine matapos na mawalan ng malay si Cecille.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek at base sa bidyo na hawak ng NYPD na tinangka pa ng mga suspek na sagasaan ang mga biktima bago tumakas.

Kinondena naman ni Filipino-American New York State ang ginawang pagatake sa mag-ina.

Inihayag naman ni New York Philippine Consul General Senen Mangalile na nakahanda ang konsulado na tulungan ang mag-ina kahit pa hindi dual citizen ang mga ito.

“The Philippine Consulate General in New York was able to speak with Mrs. Martinez-Lai on March 3 to express our concern and offer whatever assistance we can. Our capability to assist is limited by the fact that Mrs. Lai and her son are not dual citizens. Nonetheless, we call on local authorities to expeditiously resolve this case to prevent any future incidence from occurring,” ani Mangalile sa isang pahayag.

Sa ngayon ay nanawagan ang NYPD sa publiko para sa pagkakakilanlan ng mga suspek. RNT