Mag-inang Lacson-Noel nanalo sa Malabon poll

Mag-inang Lacson-Noel nanalo sa Malabon poll

May 19, 2022 @ 2:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines –  Muling nahalal sa kanyang ikalawang termino si Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel habang ang kanyang anak na si Councilor-elect Nino Lacson-Noel ay pinakabagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Cong. Lacson-Noel sa lahat ng lokal na mga nanalo habang ipinahiwatig ang kanyang pagnanais na makipagtulungan sa bagong halal na alkalde na si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval para sa ikabubuti ng lungsod at ng mamamayan nito.

“The election is just a one-day affair, so we all buckle down to work and let’s unite and work together so that we can have a much better Malabon with its people experiencing a better life ahead,” ani Lacson-Noel, na ang asawa niyang si Rep. Florencio “Bem” Noel ay nakakuha na rin ng isa pang puwesto sa House of Representatives bilang first nominee ng An-Waray party-list.

Nangako si reelected Lacson-Noel na magsagawa ng higit pang mga hakbangin lalo na ang mga proyektong pang-impraktrastura at mga programang pangkabuhayan upang gawin mas progresibo at mapagkumpitensya ang lungsod.

“The overwhelming votes the local electorate gave me during the last May 9 elections would serve as inspiration for me to continue working for the residents’ interests and their all-out support only showed that they approved all the programs I am implementing for them,” aniya.

Siya ay binigyan ng kredito ng karamihang mga residente para sa iba’t-ibang proyektong pang-imprastraktura na kanyang ipinatupad, kabilang ang 8.6-kilometer mega dike para mapigilan ang pag-apaw ng ilog na naging sanhi ng mga pagbaha lalo na sa Barangay Dampalit kung saan dinadalaw din ito ng mga namamasyal, pati na rin ang mga joggers at bikers.

Samantala, si councilor Nino ang nanguna sa boto sa mga kandidato sa pagka-konsehal sa unang distrito ng lungsod na may 8,348 votes.

“I will assure the people of Malabon that I will focus on introducing measures at the city council that will be beneficial to the interest of constituents and the city as a whole,” pahayag ng batang Lacson-Noel. R.A Marquez