Mag-inang Pinay patay sa pananaksak sa Toronto

Mag-inang Pinay patay sa pananaksak sa Toronto

August 31, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang Pilipinang ina at kanyang anak matapos pagsasaksakin sa Toronto, Canada nitong nakaraang linggo.

Base sa Toronto police, naganap ang insidente sa Bathurst Street at Ellerslie Avenue bandang alas-3:30 hapon nitong Agosto 26.

Inisyal na tinukoy ng mga pulis ang isang 46-anyos na lalaki na sangkot sa pagpatay sa 44-anyos at 20-taong mag-ina.

Dagdag ng awtoridad, magkakakilala ang tatlo.

Kinilala naman ng mga pulis ang mga biktima na sina Elvie Sig-Od, 44, at Angelica Sig-Od, 20, na kapwa mula Toronto.

Idineklarang sawi ang mga biktima sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, inaresto naman si Godfrey Sig-Od, 46, dating asawa ni Elvie.

Humarap ang suspek sa korte kinabukasan ng insidente. Nahaharap siya sa dalawang counts ng second-degree murder.

Wala pang impormasyon sa potensyal na motibo sa pagpatay.

“They do not have relatives here in Ontario to arrange their funeral, so as their Pastor, I decided to ask for your help to raise funds to provide them with a decent funeral and send their bodies to the Philippines,” ayon kay local pastor Marvin Dolores. RNT/SA