Mag-inang Sylvia at Arjo, wagi sa 35th Star Awards for TV!

Mag-inang Sylvia at Arjo, wagi sa 35th Star Awards for TV!

January 30, 2023 @ 10:43 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Pinangunahan nina Aiko Melendez, John Estrada, at Pops Fernandez ang mga bituin sa 35th Star Awards For Television ng The Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang mga hosts ng gabi ng parangal, habang nagpasiklab naman bilang performers sina Lani Misalucha, Kris Lawrence, JV Decena, Joaquin Garcia, JAMSAP talents, at Kuh Ledesma sa face-to-face awarding na ginanap noong Sabado, January 28, 2023 sa Winford Manila Resort and Casino sa Sta. Cruz, Manila.

Pinarangalan ang dating aktres at veteran TV host na si Connie Angeles ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, habang iginawad kay Senador Raffy Tulfo ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.

Win si Sylvia Sanchez sa Best Drama Supporting Actress para sa role niya bilang taong grasa sa defunct series ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba, while ang anak niyang si Cong. Arjo Atayde ang tinanghal bilang Best Single Performance By An Actor para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya titled Doctor Hero, kung saan gumanap siya rito bilang doktor na namatay dahil sa COVID 19. Ka-tie ni Arjo si Joshua Garcia para rin sa isang episode ng MMK titled Life’s Sketch.

O, ‘di ba, win ang mag-inang Sylvia at Arjo?

Present sa Star Awards si Sylvia kaya personal niyang nakuha ang kanyang trophy. Hindi naman nakarating si Arjo dahil dumalo ito sa isang event sa Bataan. Rommel Placente