Mag-live in partner arestado sa ‘ghost bidding’

Mag-live in partner arestado sa ‘ghost bidding’

August 10, 2022 @ 9:40 AM 2 months ago


MISAMIS OCCIDENTAL- Shoot sa kulungan ang mag-live in partner matapos madakip ng mga awtoridad sa ginawang entrapment operation hinggil sa reklamong ‘ghost bidding’ at investment scam sa bayan ng Sapang Dalaga.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Marilyn Amores, 23, at kinakasama nitong si Nelson Bestre Jr, 29, kapwa residente sa Purok 2, Sapang-dalaga, Misamis Occidental.

Batay sa report ng Sapang Dalaga Municipal Police Station, dakong alas-8:30 ng gabi nadakip ang mga suspek sa nasabing lugar.

Ayon kay Police Lt Charien Estenzo, tagapagsalita ng Misamis Occidental PNP, dinagsa ng reklamo ang mga suspek ng kanilang mga biktima na hinihingan ng pera kapalit ng malaking halaga.

Nakuha sa mga suspek ang P11 milyon, mga tseke na aabot sa halagang P5.4 milyon, pitong pirasong resibo, dalawang ID, at limang pirasong suki card.

Nakakulong ngayon sa Sapang Dalaga Municipal Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong Estafa (ghost bidding / repa palit/ paluwagan/ turns investment scam). Mary Anne Sapico