Mag-live in partner natagpuang patay

Mag-live in partner natagpuang patay

July 7, 2022 @ 2:33 PM 1 month ago


CALABANGA, Camarines Sur- Laslas ang leeg at wala ng buhay na magkayakap na natagpuan ang bangkay ng mag-live in partner Martes sa bayang ito.

Kinilala ang mga biktimang sina Noel Palomares Jr., 35-anyos at Shiela SeƱa, 44-anyos, kapwa residente ng Barangay San Roque ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Calabanga Municipal Police Station, dakong alas-10 ng umaga nadiskubre ang bangkay ng maglive-in sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakitaan ng laslas sa leeg si Palomares Jr., habang si SeƱa ay may bahid ng sakal sa leeg gamit ang electrical cord.

Ayon sa ama ng lalaki na si Palomares Sr, madalas na nag-aaway ang kanyang anak at si SeƱa dahil sa selos hanggang sa nadiskubre na lamang niya na walang buhay ang mga ito sa loob ng kanilang kuwarto.

Narekober sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang kutsilyo na may bahid ng dugo at electrical cord na pinaniniwalaan ginamit sa krimen.

Sinabi pa ng pulisya na dati na rin nahuli si Palomares Jr., sa kasong illegal drugs.

Naniniwala ang mga awtoridad na maaaring nagtalo ang dalawa at sinakal ni Palomares Jr., si SeƱa gamit ang electrical cord hanggang sa mamatay ito saka naman nagpakamatay ang una sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg. Mary Anne Sapico