Mag-lola, kulong sa shabu

Mag-lola, kulong sa shabu

July 20, 2022 @ 2:35 PM 3 weeks ago


NAGA CITY – Kulong ang maglola matapos makuhanan ng mga awtoridad ng higit sa P100,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust nitong Lunes.

Kinilala ang mga nadakip na suspek Araceli Arbuis, 67-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. San Felipe, Naga City at kanyang apo na si Bench Arbuis, 20-anyos, ng Zone 7, Sagrada Familia, Brgy. Peñafrancia, ng naturang lungsod.

Batay sa report ng Naga City Police Station 3, daskong 3:20 PM nadakip ang mga suspek sa bahay ng matandang Arbuis.

Sa pinagsamang pwersa ng Naga City Police Station 3, Naga City Drug Enforcement Unit, Naga City Mobile Force Company, isinagawa ng operasyon laban sa mga suspek ay nakabili sila ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 5 gramo sa halagang P17,000.00.

Nakuha pa sa mga suspek ang 6 pang pakete ng shabu na may timbang na 10 gramo at umabot halagang P102, 000 ang kabuuan halaga ng shabu.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Naga City-PNP ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico