Mag-utol, 13-anyos na pamangkin patay sa nahulog na SUV sa irigasyon

Mag-utol, 13-anyos na pamangkin patay sa nahulog na SUV sa irigasyon

October 7, 2022 @ 3:33 PM 2 months ago


RAMON, ISABELA – Kalunos-lunos ang sinapit ng tatlong namatay kabilang ang magkapatid at kanilang pamangkin matapos mahulog ang kanilang sinasakyan sa irigasyon sa bahagi ng Purok 5, Barangay Ambatali, Ramon, Isabela.

Sa pagresponde at pagsagawa ng rescue operation sa pamumuno ni PMaj. Christopher Danao, hepe ng Ramon Police Station ay nakilala ang mga biktima na sina Ruel Galut y Guittap, 35 anyos, Junior Budilla y Buwoh, 36 anyos kapwa may asawa at Zyra Janine Galut y Budilla, 13 anyos student na kapwa residente ng Pinto, A.Fonso Lista, Ifugao.

Ayon sa isang residente na malapit sa irigasyon, nakarinig na lamang ang mga ito ng malakas na tunog ng preno at malakas na pagbagsak sa tubig kaya agad na lumabas at tinignan ang insidente.

Posibleng nakaidlip ang drayber hanggang sa mahulog sa nasabing irigasyon na sanhi ng pagkamatay ng magkakapamilya. Rey Velasco