Mag-utol arestado, pinsan na babae ginawang sex slave, nabuntis

Mag-utol arestado, pinsan na babae ginawang sex slave, nabuntis

October 5, 2022 @ 2:31 PM 2 months ago


CAGAYAN – Posibleng mabulok sa bilangguan ang magkapatid na manyakis matapos madakip ng mga awtoridad sa ginawang operasyon makaraan gawin parausan ang sarili nilang pinsan na babae sa loob ng 7-taon hanggang sa mabuntis at nakatakdang manganak sa susunod na buwan sa bayan ng Peñablanca.

Nakakulong ngayon sa Cagayan Provincial Jail ang magkapatid na suspek na itinago sa pangalan Boboy, 21-anyos, Top 3 sa regional level at alyas Bebot, 20-anyos, top 7 sa Provincial level, kapwa binata at magsasaka ng Brgy. Namabbalan.

Ayon kay PLT Juliet Quinagoran, deputy chief of police ng PNP-Peñablanca, 8-buwan buntis ngayon ang biktima na noo’y 13-anyos pa lamang ng simula pagsamantalahan ng mga suspek.

Sa bisa ng warrant of arrest sa tig-dalawang bilang ng kasong Rape laban sa magkapatid nadakip ang mga ito ng mga awtoridad nitong Lunes, Oktubre 3 at walang inirekomendang piyansa ang korte.

Sinabi ni Quinagoran, taong 2015 ng unang pagsamantalahan ni alyas Bebot ang kanyang pinsan na naganap sa bahay ng kanilang hipag.

Habang nangyari naman ang panghahalay na ginawa ni alyas “Boboy” sa parehong biktima noong September 2021 na noon ay 13-anyos na at nasundan ng panggagahasa muli ni Bebot noong October at December, 2021 at muli namang naulit ang panggagahasa ni Boboy noong Enero 2022.

Nabuko lamang ang kababuyan ng mga suspek sa biktima na nasa pangangalaga ng kanyang ama dahil ang ina nito ay nagtatrabaho sa ibang bansa sanhi ng kakaiba ang ikinikilos ng anak at lumalaki ang tiyan nito.

Hindi naman naging hadlang sa biktima ang kanyang kalagayan na manganganak na sa susunod sa buwan at nagpatuloy pa rin ito sa pag-aaral sa pamamagitan ng learning modules. Mary Anne Sapico