Mag-utol kulong sa P700K halaga ng shabu

Mag-utol kulong sa P700K halaga ng shabu

October 22, 2022 @ 1:44 PM 1 month ago


ILOILO CITY – Shoot sa kulungan ang magkapatid matapos mahulihan ng higit sa P700,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng La Paz.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Nestor Magno Jr., 38-anyos at kuya nitong si Alcen Magno, 42 anyos, kapwa residente sa Zone 3, Brgy. Lopez-Jaena Norte, La Paz, Iloilo City.

Ayon kay Major Jose Val Ladublan, hepe ng La Paz Police Station, nakabili ang operatiba sa mga suspek ng shabu sa halagang ₱23,500.

Narekober rin sa mga suspek ang 105 gramo na shabu na nagkakahalaga ng ₱714,000.00 at cellphone na pinaniniwalaan ginagamit ng mga ito sa kanilang illegal na transaksyon.

Nabatid, na nakulong taon 2015 si Nestor na may kinalaman sa kasong illegal na droga at nakalabas ito ng kulungan taon 2019.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ukon Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkapatid na Magno. Mary Anne Sapico