Mag-utol na ASG member arestado sa Taguig

Mag-utol na ASG member arestado sa Taguig

July 13, 2021 @ 3:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang magkapatid na miyembro umano ng Abu Sayyaf Group makaraang masakote sa Taguig dahil sa kasong pagdukot.

Kinilala ni National Capital Region Police Office Director PMaj. Gen. Vicente Danao ang mga arestadong ASG member na sina Taupik GalbunL alyas Pa Wahid at Saik galbin, alias Pa Tanda.

Wanted ang dalawa sa kasong 6 counts ng Kidnapping at Serious Illegal Detention with Ransom.

Si alyas Pa Wahid na kabilang sa grupo nima Isnilon Hapilon at Bakal Hapilon ay nagsilbi umanong outer guard sa  kidnap victim sa Sulu at Basilan.

Kabilang siya sa grupo na responsabl  sa pamumugot ng ulo nina Primitivo Falcansantos, Crisanto Suela at ng Amerikanong si Guillermo Sobero.

Kasama din siya sa dumukot sa tatlong mga guro sa  Zamboanga City

Si Taupik Galbun naman ay kabilang sa ASG na dumukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witness noong August 20, 2002 sa Patikul, Sulu.

Ayon kay PMajGen. Danao, natunton ang dalawa sa tulong ng mga impormasyon na ibinigay ng mga tao sa komunidad.

Lumilitaw na halos isang taon nang naglalagi sa Metro Manila ang dalawa at namamasukan bilang construction worker. Dave Baluyot


  •  
  •  
  •