43 wanted sa Isabela, nalambat

August 14, 2022 @12:24 PM
Views:
4
CAMP LT. ROSAURO TODA JR.,CITY OF ILAGAN, ISABELA-Nalambat ang 43 katao na wanted sa magkakahiwalay na Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO ng mga municipal at city police station na sakop ng Isabela Police Provincial Office o IPPO.
Ayon kay PCol. Julio R. Go, Provincial Director ng IPPO, mula sa 43 katao na wanted, ang tatlo ay binansagang Top Most Wanted Person TMWP Regional Level sa kasong panggagahasa na naaresto ng Cauayan City, Jones at Tumauini Police Station sa isinagawang isang araw na SACLEO.
Sa patuloy na kampanya laban sa Insurhensiya, 5 miyembro ng New Peoples Army o NPA in the Barrio at 17 CTG Supporters ang boluntaryong sumuko sa kamay ng mga awtoridad.
Sa kampanya sa anti-illefal drugs ay isa ang naitala, 12 katao ang nahuli sa Illegal gambling, isang motornapping at isa rin sa illegal Fishing ang naaresto.
Sa Loose firearms, 4 na iba’t-ibang kalibre ng baril ang isinurender habang 13 naman armas ang idineposito sa kampanya “Bilang Boga”, 6 naman ang isinuko na explosives gaya ng Hand grenade, 40MM at Rifle Grenade at narekober rin ng pulisya ang 5 piraso na illegally cut common hard wood na tinatayang nasa 160 board ft sa kampanya ng illegal logging.
Kaugnay nito, pinuri ni PCol. Go ang patuloy na pagsusumikap ng kapulisan ng Isabela maging ang komunidad sa kanilang husay sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan dito sa nabanggit na probinsya.
Samantala, nakahuli naman ng 351 violators sa 126 na isinagawang operasyon sa buong lalawigan ng Isabela ang patuloy na implementasyon ng Traffic Laws at Ordinances. Rey Velasco
Libreng flu vax ipinamahagi ni Rubiano sa kanyang kaarawan

August 14, 2022 @12:06 PM
Views:
8
MANILA, Philippines – Matapos mabigyan ng kasiyahan sa Star City ang 280 kabataan ay nagsagawa naman ng libreng flu vaccination ang lokal na pamahalaan ng Pasay kaugnay sa isang linggong aktibidad ng gift-giving bilang selebrasyon ng kaarawan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano sa Agosto 16.
Sinabi ni Calixto-Rubiano na ang mga tumanggap ng libreng flu vaccines na ginanap sa Jose Rizal Elementary School (JRES) ay ang mga senior citizens na nagmula sa limang barangay na kinabibilangan ng Barangay 84, 85, 86, 87 at 90.
Ayon kay Calixto-Rubiano, ang pagtuturok ng flu vaccines sa mga senior citizens ay bahagi ng kanyang adminsitrasyon na HELP program (Health and housing, Education, economic growth and environment, Livelihood and lifestyle, Peace and order, Palengke at Pamilya).
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang pamamahagi ng libreng flu vaccines sa mga seniors ay isa ring pamamaraan ng selebrasyon para sa residente ng lungsod.
Matatandaan na nito lamang Agosto 11 ay nagkaloob ng isang ‘birthday treat’ si Calixto-Rubiano kung saan personal na sinamahan ng alkalde na mabigyan ng kasiyahan ang 280 kabataan sa Star City.
Sinabi pa ni Calixto-Rubiano na punong-puno ng sigla ang kanyang nawari sa mga kabataan na walang humpay ang kaligayahan sa pagsakay sa iba’t-ibang rides sa nabanggit na theme park.
Bukod sa kaligayahan ng mga kabataan ay inamin din ni Calixto-Rubiano na siya mismo ay naaaliw at nasiyahan habang kasama ang mga tsikiting at nagsabing pakiramdam niya ay nagbalik siya sa kanyang pagkabata sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. James I. Catapusan
100 nagpositibo sa Omicron variant sa Cagayan

August 14, 2022 @11:53 AM
Views:
18
CAGAYAN VALLEY-Nakapagtala ang Department of Health-Cagayan Valley Center for Health Development ng COVID-19 variants cases dito sa rehiyon dos.
Batay sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit Batch 111 whole genome sequencing noong Agosto 9, 2022, karagdagang 100 local cases ang positibo sa Omicron variant (BA.1.1.529 at BA sublieanages).
Nakapagtala ang mga probinsya ng Cagayan (50), Isabela (27), Nueva Vizcaya (12) at Quirino (11).
Sa nasabing datos, mula sa kabuuang 100 bilang, 87 ay Mild, 8 ay asymptomatic at 85 ay moderate lang.
Habang isinagawa ang karagdagang imbestigasyon ng surveillance team, napag-alaman na, 82 ang kumpirmadong kaso kung saan fully vaccinated, 13 ang nakatanggap palang ng unang dose at 5 ang hindi karapat-dapat na sumailalim sa pagbabakuna.
Nagpaalala ang Cagayan Valley Center for Health Development ang mahigpit na pagsunod sa preventive measures at paggamit ng face mask, limitahan ang pagpunta sa mga matataong lugar.
Kung may mga palatandaan at sintomas ng COVID-19 humingi ng maagang konsultasyon at magpabakuna para sa karagdagang proteksyon laban sa virus.
Dahil sa maagap ang mga frontliner ay gumaling na ang 100 katao na tinamaan ng virus sa rehiyon. Rey Velasco
PH import plan ni ES Rodriguez ‘di sabit sa sugar import mess

August 14, 2022 @11:40 AM
Views:
26
MANILA, Philippines – Todo-depensa ang Malakanyang sa umano’y naging direktiba ni Executive Secretary Victor Rodriguez na lumikha ng isang importation plan.
Sa isang panayam, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na kahit direktiba ito ni ES Rodriguez, wala naman siyang kinalaman at kamay si Rodriguez sa “unauthorized order” para umangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.
Ani Cruz-Angeles, ang importation plan ay iba sa resolusyon na ipinalabas na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Importation plan gives us information. Hindi iyan order,” ayon kay Cruz-Angeles sabay sabing “Until makita mo ‘yung importation plan, there is no order to import. At kailangang pag-aralan. Ito ‘yung sinasabi natin na ang Presidente, he wants to do things systematically.”
Ang paglilinaw ay ginawa ni Cruz-Angeles kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Undersecretary Leocadio Sebastian mula sa Department of Agriculture (DA), araw ng Huwebes matapos inguso dahil sa kanyang “unauthorized signing” ng sugar importation order.
Sa kanyang one-page letter na may petsang Aug. 11, humingi ng paumanhin si Sebastian sa pag-apruba sa Sugar Order no.4 para sa pangulo, at sa pamamagitan umano ng kapangyarihan na ibinigay sa kanya.
Ani Cruz-Angeles , mayroong “misunderstanding” sa naging kautusan ni Rodriguez na lumikha ng importation plan sa ipinalabas na resolusyon na pirmado ni Sebastian.
Sinabi ni Cruz-Angeles, binigyang awtorisasyon ni Pangulong Marcos si Rodriguez na lumikha ng importation plan.
Si Rodriguez ang nagsabi kay Pangulong Marcos ukol sa unauthorized issuance ng resolusyon ayon kay Cruz-Angeles.
“That’s a misunderstanding of the plan. After the plan, that is the only time na magkakaroon po ng resolution. Kaya naging mahalaga ’yung whether or not there is an importation plan,” aniya pa rin.
“The unauthorized signing of the order on behalf of Marcos is still under investigation,” ayon kay Cruz-Angeles.
“The President is objective. He’s leaving the investigation to be conducted without his interference. Kailangan has to be fair,” lahad pa nito. Kris Jose
ASF patuloy na umaatake sa Zambo City

August 14, 2022 @11:28 AM
Views:
25