Mag-utol na lola, tiklo sa droga

Mag-utol na lola, tiklo sa droga

January 13, 2021 @ 12:12 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

QUEZON – Dinakip ng pulisya ang magkapatid na matandang babae makaraang masamsaman ng mahigit sa P7na libong halaga ng droga sa buy-bust operation sa Purok Santol 2, Barangay Mayao Crossing, Lucena City.

Ang magkapatid na suspek na kapwa nakapiit ngayon sa himpilan ng Lucena City Police ay sina Gloria De Chavez,alyas “Mommy”, 61,  at Zenaida De Chavez, 60, kapwa residente ng nabanggit na lungsod.

Batay sa report ni P/Col Ericson D. Dilag, officer-in-charge ng Quezon-PNP,  nagsagawa ng anti-drugs operation sa pamamagitan ng pagbili ng halagang P500 ng shabu sa mga suspek matapos magpanggap na buyer ang impormante ng mga pulis na humantong sa pagkakaaresto sa magkapatid .

Nakuha sa mga suspek ang 27 pirasong heat sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu.

Agad ding sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng mga suspek at  nasamsam pa  ang 38 gramo ng shabu na may street value na P775,000.

Dati nang naaresto si Zenaida sa kasong iligal na droga. Ellen Apostol  


  •  
  •  
  •  

Loading...