Mag-utol nakakita ng seksi, inilabas ang ari, kulong

Mag-utol nakakita ng seksi, inilabas ang ari, kulong

January 11, 2022 @ 9:36 AM 7 months ago


NAGA CITY- Kulungan ang kinasadlakan ng mag-utol nang hindi nila matiis ang panggigil ng makakita ng mga sexy na babae habang naliligo sa resort at inilabas ang kanilang mga ari saka nag-masturbate sa harapan ng mga babae, kamakalaw ng hapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Joseph Roldan Montenegro Trazona, 42, may asawa, at kapatid na si Danilo, 46 kapwa ng Brgy. Inoburan, ng naturang lungsod.

Ayon kay Major Joseph Lopena, hepe ng Naga Police Station, dakong 3:33 ng hapon nang naganap ang insidente sa isang resort sa JV Resort, Brgy. Inayagan, Naga City.

Kuwento ng 17-anyos dalagitang hindi pinangalanan, naliligo sila sa swimming pool ng bigla na lamang siyang nilapitan ni Roldan ay inilabas ang ari sa kanyang harapan saka nagmasturbate at nakita rin ito ng kanilang mga kaibigan at kaanak.

Ganun din ang 16-anyos na dalagita, naliligo sa swimming pool ng lapitan na naman ni Danilo at pinaghihimas ang maselang parte ng kanyang katawan at inilabas rin sa harapan nito ang ari.

Agad naman humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nasa impluwensiya ng alak.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 11313 o ‘Bawal Bastos Law’ at Disobedience matapos manlaban sa pulisya si Roldan.

Habang si Danilo naman ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti Child Abuse Law. Mary Anne Sapico